Nagpasya ang Department of Education (DepEd) na magpatupad ng moratorium sa field trip sa lahat ng pampublikong paaralan sa elementary, at sekondarya kasunod ng aksidente sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng 15 katao, karamihan ay mga estudyante sa kolehiyo.

Inilabas ng DepEd ang kautusan matapos ang pagpupulong ng mga opisyal sa pangunguna ni Secretary Leonor Magtolis Briones at ng mga regional director noong Miyerkules.

Ayon kay Briones, tatagal ng apat na buwan ang moratorium o hanggang Hunyo 2017, upang mabigyan sila ng pagkakataon na masuri ang mga umiiral na polisiya.

Hindi sakop ng moratorium ang mga private elementary at high school ngunit makikibahagi rin sila sa pagre-rebyu ng mga polisiya hinggil sa field trip.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The moratorium will be for three to four months to allow for a review of existing policies and to harmonize the implementing details of regions,” saad sa kalatas ng DepEd. “The review will cover alignment of field trips to learning outcomes, security and safety, and responsibilities and accountabilities not only of schools but also of parents and of other relevant government agencies,” dagdag dito.

Gayunman, nilinaw ng DepEd na maaari pa ring ituloy ng mga paaralan ang mga educational trip kung mayroon na silang permit at kontrata para rito. (MARY ANN SANTIAGO)