Nanawagan sa publiko ang isang arsobispo ng Simbahang Katoliko na huwag haluan ng pulitika ang paggunita sa EDSA People Power I bukas, Pebrero 25.

Kaugnay nito, ikinalungkot ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na unti-unti nang nawawala ang kahulugan ng EDSA I dahil sa pagkakawatak-watak ng taumbayan, partikular na sa usaping pulitikal.

“Ito ngayong EDSA People Power na talaga sanang isang karangalan ng Pilipinas. Ngayon ay nagiging political issue na rin, ibig sabihin nababawasan ang kahulugan at ang kalaliman. Nakakahinayang na ganito ang nangyayari,” ani Cruz sa isang panayam sa radyo.

Pinaalalahanan ni Cruz ang publiko na ang tunay na diwa ng EDSA ay isang pagkilos ng nagkakaisang mamamayan sa iisang adhikain na maibalik ang malaya at demokratikong bansa na hindi gumagamit ng dahas. (Mary Ann Santiago)

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza