EDGAR ALLAN copy copy

HINDI naman pala P40,000 ang suweldo ng board member ng MTRCB gaya ng alam ni Bayani Agbayani kundi P60,000. Naklaro ang isyung ito dahil inilabas sa video blog ni Mocha Uson, ang pinakakontrobersiyal na board member.

Naka-record through vlog sa FB Live ang pagwi-withdrew ni Mocha ng kanyang unang suweldo sa MTRCB at P60,000 nga ito, from January to February. Hindi ibinulsa kundi ibinili ni Mocha ng gatas, diapers, at medicine ang kanyang suweldo para sa abandoned children sa DSWD sa likod ng SM North Edsa.

Naipangako raw niya na idodokumento niya ang kanyang sahod bilang sagot sa mga bumabatikos na sayang lang ang ibinabayad sa kanya. Sabi ni Mocha, every month niya itong gagawin, mapupunta sa charity ang kanyang sahod.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Samantala, sinagot ni Mocha ang reaction at post ni Edgar Allan Guzman sa pagtawag diumano niya ng “basura” sa episode ng Ipaglaban Mo na pinagbidahan ng aktor.

“DEAR MR. EDGAR ALLAN GUZMAN,

Wala akong sinabing basura ang programa mo o ang acting mo. Sana pinanood mo muna ‘yung FB Live ko bago ka nagsalita.

Ipinalabas ang ‘rape scene’ ng Ipaglaban Mo na hindi ni-review ng MTRCB dahil may tinatawag na SELF-REGULATION ang TV NETWORKS na aking tinututulan. Noong ipinalabas ang ‘rape scene’ na ‘yun ay nagkaroon ng NEGATIBONG REAKSYON ANG MGA MANNONOOD at kanilang tinawag ang aking pansin bilang board member ng MTRCB. Ang tanong ng mga magulang/manonood ay kung paano ito nakalusot sa MTRCB at naipalabas sa TV dahil ang violent rape scene na ito ay hindi naaangkop sa kabataan.

Mayroon tayong tinatawag na TV/MEDIA RESPONSIBILITY kung saan ang TV Networks ay dapat accountable sa kanilang mga ipinapalabas na programa at dapat isaalang-alang ang kapakanan ng mga manonood lalo na ang mga kabataan.

At dahil may MTRCB, responsibilidad ng ahensiya na ito na proteksiyonan ang mga kabataan mula sa mga hindi angkop na eksena/programa sa TV pati na rin sa pelikula. So sana bago ka mag-react d’yan pinanuod mo muna ng mabuti ang FB Live ko.

Isa pa, babanggitin mo pa ang dalawang seksing pelikula na ginawa ko noon at ikinumpara mo sa programa mo sa telebisyon? PARA SA KAALAMAN MO, MAGKAIBA ANG PELIKULA AT TELEBISYON. Hindi basta–basta nakakapasok ang bata sa sinehan. ‘Yung ipinagtatanggol mo ay programa sa TV na nasa oras ‘yan kung saan napapanood ng mga bata 12 years old pababa. Wala akong isyu sa acting mo. Ang isyu dito ay proteksiyonan ang mga batang nanonood. WALANG PERSONALAN.

#IkawAngUmayos #DoYourResearch.

At Mr. Edgar Allan kung gusto mo ng konting RESPETO sa mga artistang Pilipino baka gusto mo din konting RESPETO din sa mga batang manonood.” (Nitz Miralles)