Biglaang ipinagpaliban ng commerce minister ng China ang opisyal na biyahe nito sa Pilipinas kahapon (Pebrero 23), para lagdaan ang 40 joint projects na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong dolyar, sinabi ng mga impormante sa Department of Trade and Industry.

Hindi pa malinaw kung ano ang nasa likod ng biglaang pagkansela sa sana’y mahalagang development sa bagong kabanata ng relasyon ng dalawang bansa sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, na pinuri ang liderato ni Chinese President Xi Jinping.

“It was a last-minute decision,” sabi ng isa sa mga opisyal. “We were only informed about it and we’re not privy to any information about the cancellation.”

Nakatakda sanang dumating si Chinese Commerce Minister Gao Hucheng sa Manila kahapon kasama ang malaking delegasyon ngunit inimpormahan ng China ang Pilipinas noong Miyerkules ng hapon na hindi na sila matutuloy, ayon sa dalawang impormante. (Reuters)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon