CARRANGLAN, Nueva Ecija – Nakaligtas ang 35 pasahero ng isang pampasagerong bus na nagliyab ang makina habang bumibiyahe sa paahong bahagi ng Daang Maharlika sa Barangay Piut sa Carranglan, Nueva Ecija.

Sa ulat ng Carranglan Police kay Nueva Ecija Police Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, ang nasunog ay ang REM Liner Bus na minamaneho ni Antonio Soriano de Polonia, 48, ng Bgy. Pallua Norte, Tuguegarao City, Cagayan, at patungong Cagayan Valley.

Nabatid na dakong 11:30 ng gabi nitong Pebrero 20 nang biglang may nag-overtake na sasakyan sa bus at isinigaw kay De Polonia ang pagliliyab ng hulihang bahagi ng bus, kaya kaagad na inihinto ng driver ang sasakyan at pinababa ang mga pasahero. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog