UMATRAS si Beyonce sa kanyang nakatakdang pagtatanghal sa Coachella festival ngayong taon, bagamat tiniyak na itutuloy ito sa susunod na taon, kinumpirma ng kanyang kinatawan sa People.

Maaaring makasama sa kanyang pagbubuntis ang gagawing pagtatanghal lalo na’t nasa maselang bahagi na ng kanyang pagdadalantao kapag sumapit na ang pagdiriwang sa Abril.

“Following the advice of her doctors to keep a less rigorous schedule in the coming months, Beyoncé has made the decision to forgo performing at the 2017 Coachella Valley Music & Arts Festival,” saad sa pahayag ng Coachella promoter na Goldenvoice and Parkwood Entertainment nitong nakaraang Miyerkules. “However, Goldenvoice and Parkwood are pleased to confirm that she will be a headliner at the 2018 festival. Thank you for your understanding.”

Inihayag noong nakaraang buwan ng Lemonade singer, 35, na magtatanghal siya sa Coachella, ngunit naging palaisipan kung matutuloy ito nang ibunyag niya na nagdadalantao siya ng kambal sa kanyang asawang si Jay Z.

Tsika at Intriga

Mariz Umali nilinaw isyung tinawag niyang 'matanda' si Atty. Medialdea

Hindi naging hadlang ang kanyang pagbubuntis sa pagtatanghal niya ng Love Drought at Sandcastles sa 2017 Grammys nitong Pebrero 12 kaya umasa ang kanyang mga tagahanga na muli niya itong mapapatunayan sa Coachella. (People.com)