MAY bagong test na natuklasan na makatutulong para matukoy ang nakamamatay na motor neuron disease (MND), na kilala rin bilang Lou Gehrig’s disease, na maaaring maging gabay ng mga researcher upang hanapin ang lunas nito, saad ng mga Australian researcher nitong Huwebes.

Natuklasan sa bagong urine test, na co-developed ng mga Australian researcher sa Flinders University sa Adelaide, ang presensiya ng “key protein biomarker” na matatagpuan sa mga taong may MND.

Inihayag ni Dr Mary-Louise Rogers ng Flinders University na ang test ay maaaring gamitin sa clinical trial.

“A standardized, easy-to-collect urine test could be used as a more accurate progression and prognostic biomarker in clinical trials,” saad ni Rogers sa pahayag na inilabas noong Huwebes.

National

Sa gitna ng girian: PBBM, minsan lang nagsalita vs VP Sara – Rep. Abante

“This will accelerate progress towards more rapid identification of improved treatments for MND and save time and money by faster exclusion of less effective or ineffective drugs.

“And in the future, it also could potentially be used to test people for early signs of pre-familial MND progression and used instead of patient questionnaires for regular testing of disease progress or drug suitability in existing MND cases.”

Sinabi ni Rogers na ang biomarker, urinary protein 75ECD, ang tanging makatutulong sa mga doktor sa pagtukoy kung mayroong MND ang isang tao o wala.

Wala pang lunas sa kasalukuyan ang sakit, na motor neurons o nerve cells na kumokontrol sa paggalaw ng mga muscle ang sanhi.

Sa Australia, dalawang tao ang natutuklasang may ganitong sakit araw-araw, at ikinamamatay naman naman ng isang Australian kada 12 oras.

Ayon sa Deloitte Access Economics, nagkakahalaga ang sakit sa healthcare system ng bansa ng mahigit $1.4 billion kada taon. (PNA)