DUBAI, United Arab Emirates — Bata sa edad, ngunit datan sa karanasan.

Tuluyang nakapagtala ng marka sa international tennis ang 17-anyos American na si Catherine "CiCi" Bellis nang maitala ang unang career win sa Top 10 player nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) matapos sibakin si sixth-ranked Agnieszka Radwanska, 6-4, 2-6, 6-2, sa third round ng Dubai Tennis Championships.

"It's definitely, obviously, the biggest win of my career, and probably one of the best days of my life," pahayag ni Bellis, ranked 70th.

Bunsod nito, si Bellis ang ikalawang teenager na lalaro sa quarterfinals nang makausad din ang 19-anyos na si Ana Konjuh ng Croatia kontra eighth-seeded Elena Vesnina ng Russia, 3-6, 6-4, 7-6 (4).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tangan ni Bellis ang 2-0 bentahe sa third set bago umayuda ang fourth-seeded na si Radwanska para sa 2-2. Ngunit, iyon ang huling kikig ng Pole matapos makaiskor si Bellis ng 16 sa huling 22 puntos.

"I think in the second set she started playing a little bit better. I went off a little bit. I think I was going for a little bit too much,” pahayag ni Bellis.

Makakaharap niya si 10th-seeded Caroline Wozniacki ng Denmark, nagwagi kay Kateryna Bondarenko ng Ukraine, 3-6, 6-2, 6-3.

"She's a great young player and has a lot of confidence," sambit ni Wozniacki, patungkol kay Bellis. "Right now I'm just going to enjoy this victory and then get ready for tomorrow."

Umusad din sa quarterfinals si Angelique Kerber matapos makabawi kay Olympic champion Monica Puig 6-2, 6-3. Naglaban ang dalawa sa finals ng Rio Games nitong August.