Albie copy copy

NA-TRAUMA nang husto si Albie Casino sa nangyari sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann kaya ni ayaw na niya itong makatrabaho sa kahit anumang project o kahit makasama sa isang event.

Kahit wala na lang daw siyang trabaho kung si Andi ang makakasama niya.

Sa grand presscon ng Pwera Usog ng Regal Entertainment na showing na sa Marso 8, ipinaliwanag ni Albie na kung sakaling magkasama sila ni Andi ay hindi rin siya mapapakali sa set kaya mas mabuting huwag na silang magkita o magkatrabaho.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Hindi mawaglit sa isip ng aktor ang panggigipit sa kanya ng dating karelasyon na amining anak niya si Ellie gayong alam niyang hindi siya ang ama ng bata.

Naka-move on na si Albie, pero hindi niya makalimutan ang ginawa ni Andi sa buhay at sa pamilya niya. Pansamantala nga naman siyang nawalan ng career at nagalit sa kanya ang halos buong sambayanang Pilipino.

Ayon sa aktor, marami sana siyang nakapilang projects noon na biglang nawala dahil sa ginawa ng aktres.

“Na-derail siya nang konti, nag-hiatus ako for a while. I lost a lot of work. Maraming naka-line-up sa akin no’n, eh.

‘Tapos natanggal lahat, naudlot lahat,” pagtatapat ni Albie.

Samakatuwid, may kinikimkim pa ring galit si Albie kay Andi.

“Matagal na akong walang galit, kasi ano’ng gagawin ko, di ba? Magagalit lang ako, hindi naman siya o-okey kung galit ako, di ba? Ako lang din ‘yung masisira ‘pag galit na galit ako.”

Hindi pa sila nagkikita ni Jake Ejercito, ang tunay na ama ng anak ni Andi, at walang dahilan para magkita sila.

“I couldn’t care less about that guy. I don’t have to do anything with him. Ano’ng point? Ano’ng sasabihin ko sa kanya? Wala naman akong sasabihin sa kanya, eh,” sabi ng aktor.

Samantala, bukod kay Albie, bida rin sa Pwera Usog sina Sofia Andres, Joseph Marco, Devon Seron, Cherise Castro, Kiko Estrada, Rommel Padilla, Eula Valdez at Aiko Melendez mula sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana. (REGGEE BONOAN)