CAPE CANAVERAL, Fla. (AP) — Sa unang pagkakataon, nadiskubre ng mga astronomer ang pitong planeta na kasinlaki ng Earth na umiikot sa iisang bituin – at maaaring may nabubuhay sa mga bagong mundong ito.

Ang grupo ng mga planeta ay halos 40 light-years ang layo mula sa constellation na Aquarius, ayon sa NASA at sa Belgian-led research team na nagpahayag ng tuklas noong Miyerkules.

Nakapalibot ang mga planeta sa bituing tinatawag na Trappist-1, na halos kasinlaki ng Jupiter. Tatlo ang nasa tinatawag na habitable zone, ang lugar sa paligid ng bituin na mayroong tubig, at posibleng may nabubuhay. Ang iba ay nasa bungad nito.

“We’ve made a crucial step toward finding if there is life out there,” sabi ni Amaury Triaud ng University of Cambridge, isa sa mga mananaliksik.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na