CABANATUAN CITY - Anim na katao na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal ang nasakote sa operasyon ng pulisya sa anim na bayan sa Nueva Ecija nitong Miyerkules.

Kinilala ang mga naaresto na sina Darwin Bulawit y Collado, 32, ng Gen. Tinio, may kasong estafa; Raymond Constantino y Del Castillo, 36, ng San Antonio, sa qualified theft; Kerwin Gabriel y Palilio, 29, kagawad ng Barangay San Francisco, Sto. Domingo, akusado sa ilegal na droga.

Arestado rin sina Olivia Pareja y Ronquillo, 44, biyuda, taga-Bongabon, at may kasong estafa; Jarvin Arizala y Arnaiz, 18, residente ng Llanera, akusado sa rape at ikapito sa watchlist ng pulisya; at Felino Dayao y Reyes, 39, taga-Guimba, na may kasong illegal possession of firearms. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol