CONCEPCION, Tarlac – Dalawang katao ang nasawi at dalawa pa ang grabeng nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Concepcion-Capas Road sa Barangay San Juan, Concepcion, Tarlac, nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ni PO2 Jose Dayrit Baluyut III ang mga nasawing si Jayvee Dizon, 21, driver ng Euro motorcycle (IV-3977); at ang angkas niyang si Edmon Cunanan, 37, may asawa, kapwa taga-Bgy. Cafe, Concepcion.

Malubha namang nasugatan ang driver ng tricycle (MU- 1876) na si Nestor Dela Cruz, 61, may asawa; at pasaherong si Nimfa Dela Cruz, 30, ng Bgy. San Juan, Concepcion. Nagkarambola ang motorsiklo, ang tricycle at ang truck bus (AAI-1899) na minamaneho ni Felipe Frias, 43, ng Basista, Pangasinan. (Leandro Alborote)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City