Tiklo ang dalawa umanong kilabot na magnanakaw na miyembro ng gun-for-hire syndicate sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Police Supt. Rogarth Campo ng District Special Operation Unit (DSOU), kinilala ang mga naarestong suspek na sina Jonathan Torno y Fernandez, alyas “Khadafi”, 33; at Anastacio Sta. Cruz y Centino, 31, kapwa residente ng Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, dakong 11:00 ng gabi kamakalawa nang arestuhin ng mga operatiba ng DSOU, sa pamumuno ni Supt. Campo, ang mga suspek sa San Jose Street sa naturang barangay.

Itinimbre ng mga residente ang kinaroroonan nina Torno at Sta. Cruz at agad sinalakay ng mga awtoridad hanggang sa tuluyang nasorpresa ang mga suspek.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang caliber .45, 25 plastic sachet ng shabu, cell phone at P5,000 drug money at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Unlawful Possession of Firearms and Ammunitions) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Jun Fabon)