LOS ANGELES (AP) – Kaagad na kumilos si dating NBA star Magic Johnson bilang basketball operation chief at kaagad na ipinamigay si Lou Williams sa Houston Rockets kapalit ni Corey Brewer at future draft pick.

Kinumpirma ni Wallace Prather, agent ni Brewer, ang naturang trade na unang isiniwalat ng Yahoo Sports. Wala namang pormal na pahayag na nagmula sa Lakers at Rockets management.

Sa kanyang Twitter, ipinahayag ni Williams ang paglisan sa Los Angeles. “Thanx for the love L.A., I’ve enjoyed my stay,” aniya.

Nangungunang scorer mula sa bench si Williams, tangan ang averaged 18.6 puntos, habang ang beteranong si Brewer ay may averaged na 4.2 puntos sa Houston.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

Naisakatuparan ang trade ilang oras matapos ang pormal na pahayag ng Lakers na pinalitan ni Johnson ang general manager na si Mitch Kupchak.

Samantala, inaayos na ang pagbabalik ni Deron Williams sa Utah Jazz matapos ang dalawang season sa Dallas Mavericks.