Mga Laro Ngayon
(Al Ahli Indoor Stadium)
5 n.h. -- Sale vs Egypt
7 n.g. -- Sagese vs Homenetmen
9 n.g. -- Mighty Sports vs Ball Above All
DUBAI – Tuluyang nabaon sa kawalan ang kampanya ng Mighty Sports-Philippines nang mabigo sa Homenetmen of Lebanon, 100-93, sa 28th Dubai International Basketball Championship nitong Martes ng gabi sa Al Ahli Indoor Stadium dito.
Nagpamalas ng katatagan sina dating Gilas Pilipinas member Garry David at two-time PBA MVP Willie Miller, ngunit hindi ito sapat para makaagapay ang koponan na pinangangasiwaan ni coach Charles Tiu tungo sa ikaapat na sunod na kabiguan sa premyadong torneo sa Gulf.
At ang masakit, nagtamo ng pinsala ang kanang kamay ni Kiefer Ravena sa pakikipag-agawan sa bola sa final period dahilan para hindi makalaro sa huling dalawang laban ng Pinoy cagers sa torneo.
“I just hope it was not so serious,” sambit Tiu, patungkol sa kalagayan ni Ravena.
“Let’s just wait for the findings.”
Nanguna si dating Ginebra import Justine Brownlee para sa Mighty sa naiskor na 20 puntos, habang kumubra si David ng 19 puntos.
Iskor:
HOMENETMEN 100 – Taylor 29, Galloway 20, Jackson 19, ElKhatib 15, Souiad 10, Majok 4, Hawe 2, Mechief 1, Gyokchyan 0, Chamoun 0.
MIGHTY SPORTS 93 – Brownlee 20, David 19, Miller 17, McGuire 15, Thabeet 7, Teng 5, Arana 4, Ravena 4, Belga 2, Intal 0, Tiu 0, Douthit 0.
Quarters:
26-19. 42-33, 70-63, 100-93. (Rey C. Lachica)