UNITED NATIONS (AP) – Nangangailangan ang United Nations ng $4.4 bilyon sa katapusan ng Marso upang mapigilan ang trahedya ng pagkagutom at taggutom sa South Sudan, Nigeria, Somalia at Yemen, gayunman $90 milyon pa lamang ang nalilikom, sinabi ni Secretary-General Antonio Guterres noong Miyerkules.
Sa mahigit 20 milyon kataong nanganganib sa gutom sa susunod na anim na buwan at pagdeklara ng taggutom sa ilang bahagi ng South Sudan, “we are facing a tragedy,” ani Guterres.