pba copy

MASALIMUOT ang pinagdaanan ng Barangay Ginebra. Ngunit, tulad sa mga nakalipas na laban, nananatili sa kanilang puso at diwa ang ‘never-say-die’ na katauhan.

Muli, nagdiwang ang barangay sa panibagong tagumpay ng Kings nang malusutan ang Star Hotshots sa ‘do-or-die’ Game Seven nitong Martes para makamit ang karapatan na sumabak kontra San Miguel Beer sa best-of-seven championship ng 2017 OPPO-PBA Philippine Cup.

Binigyang inspirasyon ng kanilang mga tagahanga ang muling pamamayagpag ng Kings sa delikadong sitwasyon at sa isa pang pagkakataon, nakalikha ng kasaysayan sa dami ng mga manonood na sumaksi sa kanilang laban na umabot sa 20,220 sa MOA Arena.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“The thing I learned about this run is that we’re never out of the basketball game, we’re never out of the series and that’s because of the energy that the crowd gives us,” pahayag ni Kings coach Tim Cone.

Sa isang iglap, target ni Cone na maibigay sa Ginebra ng back-to-back title.

Nagsimula ang Kings sa matikas na pagbangon mula sa 0-2 paghahabol sa best-of-five quarterfinal series kontra sa second-seed Alaska.

Dehado muli ang Ginebra sa semi-final series kontra sa Star, subalit hindi nagpatinag ang tinaguriang crowd-favorite.

“I think in the middle of the series, I felt we didn’t have it (anymore),” ayon kay Cone. “We were dragging in practice, dragging in pregame meetings but then we walk out on the court and everybody is energized again.”

“It was tough because of the expectations on you. You try to be a little bit careful not to lose, but my guys did a good job. They kept pushing and kept battling,” aniya.

Nailarga na ang unang bahagi ng bagong istorya ng Ginebra. Laban sa Beermen, asahan na makakaagapay ang Kings sa alanganing sitwasyon para mabuo ang isa pang hindi malilimutan na kabanata. (Marivic Awitan)