PUMUTOK ang isyu sa British media kahapon na kay dating world champion Amir Khan magdedepensa ng kanyang titulo si WBO welterweight titlist Manny Pacquiao sa Mayo 20 sa London.

Iniulat ng The Times sa United Kingdom na ihahayag ni Pacquiao ang pagdepensa sa dati niyang sparring partner sa Wild Card Gym ni Freddie Roach anumang araw.

Dating WBA at IBF super lightweight champion si Khan na huling lumaban noong Mayo 7, 2016 nang hamunin niya si WBC middleweight champion Saul Alvarez sa Las Vegas, Nevada kung saan natalo siya via 6th round TKO.

“British media claims the announcement of the Filipino’s next fight against his former sparring partner to be staged in the UK is imminent,” ayon sa ulat ng South China Morning Post sa Hong Kong. “Reports in British media claim the announcement of Manny Pacquiao’s next fight against former sparring partner Amir Khan to be staged in the UK on May 20 is imminent.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“The Times reports a deal has been verbally agreed for the two to meet in what would be the highest-profile bout to be staged in Britain for years,” dagdag sa ulat. “Manchester and Khan’s hometown of Bolton in the northwest of England have been lined up as potential venues to host the fight.”

Puwede ring maganap ang depensa ni Pacquiao laban kay Khan sa United Arab Emirates partikular sa Dubai na makapal ang mga migranteng Pinoy at malaki ang suporta ng mga Arab Muslim kay Khan.

Huling lumaban si Pacquiao noong nakaraang Nobyembre 5 nang pabagsakin sa 2nd round ang Amerikanong si Jessie Vargas para magwagi sa via 12-round unanimous decision.

May rekord si Pacquiao na 59-6-2, tampok ang 38 knockout, habang may kartang 31-4-0, kabilang ang 19 knockout si Khan. (Gilbert Espeña)