PATULOY ang pagtanggap ng lahok sa 2017 Manila Bay Seasports Festival na nakatakda sa Marso 18-19 sa Manila Baywalk sa Roxas Boulevard.
Sinimulan ang registration batay sa first-call-first-served nitong Martes para sa pamosong bankathon na itinataguyod ng Manila Broadcasting Company, sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panglungsod ng Maynila at Philippine Coast Guard.
Maaring magpatala sa tanggapan ng MBC sa V. Sotto St., CCP Complex sa Pasay City.
Tampok ang pinaghalong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t ibang lalawigan.
Tumataginting na P500,000 ang nakalaang pa-premyo sa mga karera kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga tinaguriang atletang dagat.
Kabuuang tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula race ng tinaguriang ‘bancathon’.
Ang mag interesadong lumahok ay iniimbitahan na makipag-ugnayan kay Lida Aquino sa Mobile No. 0915-242-7426.