Raffy-Tima copy copy

NGAYONG Huwebes at Biyernes (Pebrero 23 at 24), isang special na documentary ang mapapanuod sa GMA News TV—ang How The Earth Made Man —na ilalahad sa wikang Filipino ni Raffy Tima.

Sa loob ng 4.5 bilyong taon, nananatiling misteryo kung paano nag-evolve ang Earth at kung bakit. May mga bagong bakas na natuklasan pero hindi ito sa loob ng mga bulkan o talampas kundi sa loob mismo ng katawan ng bawat tao.

Ilalahad ng How the Earth Made Man kung paano malalaman sa loob ng buto at utak ng tao ang kuwento ng ‘nalikha’ ng Earth ang tao.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Mula sa pagsinok, sa pakiramdam ng déjà vu, hanggang sa kung paano ihinahagis ng ang football — mababakas ang iba’t ibang kilos o gawi ng isip at katawan ng isang tao sa mga pagbabagong naganap sa planetang Earth kahit pa nga raw bilyong taon na ang lumipas.

Samahan si Raffy sa two-part episode ng How the Earth Made Man ngayong Huwebes at Biyernes, 6 PM, sa GMA News TV.