Evelyn Raymundo at the Pinoy Media Congress (1) copy

INIHAYAG ng ABS-CBN na mapapanood sa kanilang network ang pinakamalalaki at pinakaaabangang mga asianovela na Love in the Moonlight, Legend of the Blue Sea, Hwoarang, Weightlifting Fairy, Goblin, W, at Doctors.

Ibinahagi ni Evelyn Raymundo, head ng ABS-CBN integrated acquisitions and international sales and distribution, ang magandang balitang ito sa libu-libong communications students mula sa iba’t ibang school sa ginanap na 11th Pinoy Media Congress. Dumagundong sa hiyawan at tilian ang mga estudyante nang ipakita ang trailers ng mga bago at sikat na koreanovela na ipalalabas sa ABS-CBN.

Una sa listahan ang Love in the Moonlight na malapit nang umere sa Dos. Tampok dito ang breakout love team nina Park Bo Gum at Kim Joo Yung sa nakakatuwa at nakakakilig na kuwento ng crown prince na mai-in love sa dalagang nagpapanggap bilang eunuch.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Ang Love in the Moonlight ay isa sa pinakaaabangang Korean drama ng Filipino asianovela fans. Dahil sa excitement ng fans, maging ang dapat sanay’y pribadong pagbisita ni Bo Gum sa Cebu ay sinalubong ng nagtitiliang fans at nag-trend sa Twitter Philippines.

Magbabalik naman ang international superstar na si Lee Min Ho sa Philippine TV kasama ang isa sa top leading ladies sa Korea na si Jun Ji Hyun sa naiibang love story ng sirena at tao sa Legend of the Blue Sea.

Muli ring mapapanood si Gong Yoo, ang bida sa pelikulang Train to Busan, sa Goblin at gaganap bilang ng immortal na tagapagtanggol ng mga kaluluwa.

Tuloy ang asianovela craze sa ABS-CBN sa coming of age sports drama na Weightlifting Fairy at kilig overload series tungkol sa elite group ng guwapong kalalakihan na handang gawin ang lahat para ipagtanggol ang hari sa Hwarang.

Hindi rin pahuhuli ang Korean fantasy drama na W tampok sina Lee Jong-suk at Han Hyo-joo at Doctors tampok naman sina Park Shin Hye at Kim Rae Won.

Ang W ay kuwento ng isang babaeng makakapasok sa mundo ng webtoon na nilikha ng kanyang ama. Dito niya makakasama ang bida ng komiks na si Kang Cheol. Susundan naman sa medical drama na Doctors ang kuwento ng pag-ibig ng rebelde na naging neurosurgery fellow at ng kanyang mentor.

Para sa karagdagang updates sa mga nasabing asianovela sa ABS-CBN, sundan ang @Kapamilyanovela sa Twitter o i-like ang official Kapamilyanovela Facebook page sa http://www.facebook.com/ABS CBNKapamilyanovelas.