Binalaan ng pinuno ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang mga hepe ng pulisya na mahigpit na ipatutupad ang “One Strike Policy” sakaling hindi kikilos ang mga ito upang sugpuin ang ilegal na sugal sa kani-kanilang nasasakupan sa lalawigan.

“Kapag ‘yung mga nasa police station walang ginawa against illegal gambling, lalo na at wala silang huli, tapos ‘yung ibang unit dito sa province, eh, makahuli sa area nila at nagpositibo, outright relieve sila,” sabi ni BPPO Director Senior Supt. Leopoldo Cabanag.

Sa bisa ng pinaigting na kampanya ng gobyerno at pulisya laban sa ilegal na sugal, nasa 85 katao na ang nahuli sa mahigit 280 police operation sa iba’t ibang lugar sa Batangas nitong Pebrero 10-15, ayon sa datos ng BPPO.

Nasa 63 kasong kriminal na ang naihain laban sa mga naaresto, na karamihan ay sangkot umano sa operasyon ng bookies o ilegal na operasyon ng Small Town Lottery (STL). (Lyka Manalo)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City