ZAMBOANGA CITY – Nasawi ang isang estudyante ng Grade 7 habang tatlong iba pa ang nasugatan, isa sa kanila ang kritikal ang lagay, makaraang sumabog ang isang unknown ordnance device (UXO) sa loob ng Comprehensive National High School campus sa Lakewood, Zamboanga de Sur, kahapon ng umaga.

Sinabi kahapon ni Police Regional Office (PRO)-9 Director Chief Supt. Billy Beltran na apat na estudyante ng Grade 7 ang nasugatan at dalawa sa mga ito ang malubha makaraang sumabog ang isang UXO sa loob ng campus sa Barangay Poblacion sa Lakewood, bandang 7:30 ng umaga kahapon.

Kinumpirma ni Chief Supt.Beltran na binawian ng buhay si Rodulfo Halius, 17, taga-Bgy. Poblacion, Lakewood, habang ginagamot sa ospital, habang kritikal naman ang lagay ni Jonny Daluyon, 13, ng Bgy. Baking, Lakewood.

Nasugatan din sina Alona Fe Clarabal, 14, ng Bgy. Suminalum, Kumalarang; at Treshea Mae Clamonte, 13, taga-Bgy. Poblacion, ayon kay Chief Supt. Beltran.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Ayon kay Army Lt. Col. Virgilio Hamos, Jr., commander ng 53rd Infantry Battalion, na natagpuan ni Hamos ang UXO nitong Martes at dinala iyon sa eskuwelahan para paglaruan nila ng kanyang mga kaklase, bago itinago iyon malapit sa campus.

Kahapon, muling inilabas ng mga estudyante ang UXO at pinaglaruan iyon sa loob ng campus subalit nabitiwan ito at sumabog nang lumapag sa lupa. (NONOY E. LACSON)