Patay ang isang miyembro ng “Bahala Na” gang na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima na inilarawang nasa edad 35-40, 5’5” ang taas at mayroong tattoo na “Bahala Na Gang” sa katawan.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 12:05 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa ilalim ng Jones Bridge sa Binondo.

Ayon sa ilang residente sa lugar, nakarinig sila ng mga putok ng baril at nang kanilang usisain ay tuluyang tumambad ang duguang bangkay ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad namang ini-report ang nasabing insidente kay Barangay Captain Edilberto Araza, ng Barangay 656, Zone 69.

Narekober sa pinangyarihan ang anim na basyo ng bala ng caliber .45 at limang plastic sachet ng umano’y shabu kaya posible umano, ayon sa awtoridad, na may kinalaman sa ilegal na droga ang pamamaslang. (Mary Ann Santiago)