Nilinaw ng Department of Education (DepEd) sa mga magulang, opisyal at kawani ng mga eskuwelahan na hindi obligadong sumama sa field trip ang mga estudyante.

Ito ang ipinaalala ng DepEd kasunod ng aksidente sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng 14 na estudyante sa kolehiyo habang patungo sa isang field trip.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, walang kinalaman ang pagsama o hindi sa field trip sa pagsusulit o grado ng isang mag-aaral kaya’t hindi dapat isama kaagad sa mga bayarin sa eskuwelahan.

“Hindi required ang field trip at hindi pinipilit ang mga bata na sumama. Walang kinalaman sa pagsusulit o grado ng isang mag-aaral kung sasama o hindi sa field trip. Hindi mandatory ang field trip sa elementary at secondary,” paglilinaw ni Briones.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakasaad sa DepEd Order (DO) No. 52, series of 2003, “no punitive measures or activities related to the trip, which will put students who could not join the trip at a disadvantage, shall be imposed.”

Nakasaad din sa kautusan na hindi dapat magsagawa ng pagsusulit ang mga guro na base sa field trips, ngunit dapat na bigyan ang mga estudyante ng ibang aktibidad, bilang kapalit sa hindi nila pagsama sa field trip. (Mary Ann Santiago)