CABANATUAN CITY - Itinanggi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pahayag ng Philippine National Police (PNP) sa mga pamahalaang panglalawigan ng Aurora at Bataan na drug-free na ang dalawang probinsiya.
Ayon kay PDEA-Region 3 Director Juvenal Azurin, ang nasabing claim ng pulisya ay “subject for validation” pa kaya hindi dapat na kaagad isinapubliko.
“Let us render an honest-to-goodness report. Ilabas natin ang totoo. ‘Yung ‘di tayo mapapahiya,” ani Azurin.
Una nang napaulat, batay sa pahayag ng Aurora Police Provincial Office (APPO) at nina Aurora Gov. Gerardo Noveras at Rep. Bellaflor Angara-Castillo, na malinis na sa droga ang 151 barangay sa probinsiya. (Light A. Nolasco)