Maipamamahagi na sa wakas ng Social Security System (SSS) ang paunang P1,000 na dagdag sa pensiyon ng mga retirado.

Ito ang inihayag kahapon ni SSS Chairman Amado Valdez matapos niyang kumpirmahin na pormal nang inaprubahan ng Malacañang ang paunang dagdag-pensiyon.

Batay sa orihinal na plano, sisimulan sana ng Pebrero 15, 2017 ang pagbibigay sa inaprubahang kalahati ng panukalang P2,000 pension hike, ngunit naipagpaliban ito dahil sa kawalan ng go-signal ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ngunit nilagdaan na kahapon (Pebrero 22) ang memorandum, base sa kautusan ni Medialdea, para sa P1,000 dagdag sa pensiyon, na retroactive simula Enero 2017.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Upon representations made by SSS, and subject to existing laws, rules and regulations, please be informed that the P1,000 increase in benefits of qualified SSS retirees, survivors and permanently disabled pensioner effective January 2017 has been approved,” saad sa memorandum.

Kabilang sa mga makatatanggap ng dagdag-pensiyon ang mga retirado, mga naulila ng mga miyembro at ang mga permanently disabled. (ROMMEL TABBAD at BETH CAMIA)