Pinuna ng isang pari ang plano ng pamahalaan na gawing tahimik at simple ang paggunita sa 1986 EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Ayon kay Rev. Father Ben Alforque, co-chairperson ng Promotions of Church People’s Response (PCPR), na isa sa mga nakaranas ng karahasan noong panahon ng Martial Law, may ilan na nais maging tahimik lamang ang paggunita sa ika-31 anibersaryo ng People Power.

“Kaya lang ito ay isang national experience, it’s not a personal experience, it’s an experience of freedom,” ani Alforque, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Nilinaw ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na walang kaugnayan sa pagiging malapit ni Pangulong Duterte sa mga Marcos ang simpleng pagdiriwang sa EDSA People Power Revolution ngayong taon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It’s really more of a time to reflect that’s why we’re doing this as simple as possible,” ani Guevarra.

(Mary Ann Santiago at Beth Camia)