MULING sasagupa si WBA No. 5 super lightweight Czar Amonsot sa mas batang si Hungarian Zsigmond Vass sa Marso 17 para sa bakanteng interim WBA Oceania light welterweight title sa The Melbourne Pavilion, Flemington, Victoria sa Australia.

Dating hawak ni Amonsot ang naturang titulo pero binakante ng WBA kaya muling sasabak ang tubong Bohol at 30-anyos na si Amonsot sa 21-anyos lamang at tubong Budapest na si Vass para mabawi ang korona bukod pa sa dati niyang hawak na PABA at WBA Pan African super lightweight titles.

Minsan nang lumaban para sa interim WBA lightweight title si Amonsot pero tinalo siya ni two-time world champion Michael Katsidis ng Australia noong Hulyo 21, 2007 at mula noon ay hindi na siya natalo bago dahan-dahang umangat sa WBA ranking at mabigyan ng pagkakataon na hamunin si Ricky Burns ng United Kingdom.

May rekord si Amonsot na 33-3-3, tampok ang 21 knockout, samantalang si Vass ay may kartadang 12-4-0.

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

(Gilbert Espeña)