BORACAY -- Umabot sa 84 kiteboarder mula sa mahigit isang dosenang bansa ang nagmapalas ng kahusayan sa Boracay leg ng Philippine Kiteboarding Season 4.

Ayon sa talaan ng organizers, karamihan sa mga kalahok ay nagmula sa mga bansa sa Europe.

Ang nasabing four-stage circuit na event ay inorganisa ng Philippine Kiteboarding Association. Isinagawa ang nasabing competition sa Bulabog Beach na matatagpuan sa likod na bahagi ng isla ng Boracay.

Sa nasabing competition, pinaglabanan ang mga kategorya na Men and Women, Masters, Juniors at Novice.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang magwawagi sa torneo at bibigyan ng tiket para makasabak sa Youth Olympics na gaganapin sa Buenos Aires, Argentina sa susunod na taon. (Jun N. Aguirre)