SAN CARLOS CITY, Pangasinan - Patay sa saksak ang isang 55-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng kanyang stepson sa pagkakahimbing niya sa sala ng kanilang bahay sa Barangay Balaya sa San Carlos City, Pangasinan.
Nabatid sa ulat ng San Carlos Police na naaresto si Edwin Castrence, 36, makaraan umanong saksakin ang amain niyang si Rodolfo Gayo, 55, tubong Sta. Cruz, Maynila, habang natutulog ito, dakong 3:30 ng hapon nitong Lunes.
Hindi na umabot nang buhay sa Pangasinan Provincial Hospital si Gayo,
Naniniwala ang awtoridad na ang pananaksak ay bunsod ng matagal nang alitan ng dalawa. (Liezle Basa Iñigo)