RONNIE copy

PAREHONG baguhan sa pag-arte si Ronnie Alonte at si Mark Oblea na miyemro ng grupong Hashtags at finalist ng Pinoy Boyband Superstar, respectively.

Nakadalawang pelikula na si Ronnie, ang Seklusyon at Vince & Kath & James na parehong ipinalabas sa 2016 Metro Manila Film Festival. Napapanood siya ngayon sa seryeng A Love To Last na pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Iza Calzado at Bea Alonzo.

Wala pang pelikula si Mark, pero may dalawa siyang programa, ang My Dear Heart kasama sina Ms. Coney Reyes, Bela Padilla at Zanjoe Marudo katambal si Loisa Andalio at kasama rin si Jameson Blake ng Hashtag at ang Wansapanataym:

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

May Hair Lady kasama uli sina Jameson at Loisa.

Ikinukumpara ng ilang netizens si Ronnie kay Diether Ocampo dahil magkapareho raw ang acting, samantalang kay Marvin Agustin naman ikinukumpara si Mark dahil may pagkakomedyante raw.

Sana lang malampasan nina Ronnie at Mark ang narating nina Diether at Marvin, lalo na pagdating sa acting, ano sa tingin mo, Bossing DMB?

(‘Di ako mapalagay. –DMB)

Nawawala na sa limelight si Diether ngayon at wala kaming ideya kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

Samantalang nag-aaral ng filmmaking sa ibang bansa si Marvin, ayon sa taong nakasama niya nang matagal bukod pa sa marami siyang negosyo ngayon na kumikita. Katuwang niya ang mga kapatid niya sa kanyang mga business.

May plano ring magtayo ng negosyo si Mark na kunektado sa Culinary Arts na tinapos niya. Kaya posibleng masundan niya ang mga yapak ni Marvin.

Nag-iipon naman si Ronnie para makatulong sa pamilya niya at type ring magtayo ng negosyo pagdating ng araw.

In fairness, parehong may sideline ang dalawa bukod sa pagiging artista. Malaki ang kita sa out of town shows ni Ronnie bilang Hashtag member. Marami ring nag-iimbita kay Mark para kumanta. (REGGEE BONOAN)