OGIE copy

MAY magandang payo si Ogie Diaz para kay Mocha Uson na idinaan niya sa pamamagitan ng Facebook. Makalampas ng hatinggabi nitong nakaraang Linggo, ito ang post ni Ogie:

“Sana, MTRCB chairmanship ang hiningi mo, ‘teh, hindi pagiging board member. Para magawa mo ‘yung gusto mo.

Ikaw naman. Sa Monday pa pala ang meeting mo, nagsumbong ka na agad sa taumbayan.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Sana, tinapos mo muna ang meeting, ‘tapos, ‘pag walang nangyari sa meeting mo sa MTRCB board, eh, saka ka mag-report sa taumbayan.

Saka ikaw naman. Nalaman ko, hindi ka um-attend ng board meeting para i-explain sa newly appointed board members ang classification and review at ‘yung sinasabi mong SPG, at ‘pag andu’n ka naman, hindi ka naman daw vocal sa mga concerns mo, kaya ba’t sa taumbayan mo inilalatag ang hinaing mo, ba’t hindi sa board?

Alam mo, Mocha. Mas masarap magsumbong kung may sapat kang dahilan at mga hawak na records o ebidensiya ng sinasabi mong malalaswang eksena para mabigyan mo ng chance ang publiko na husgahan ang mga eksena at kung dapat ka nilang ayunan sa ipinaglalaban mo.

Saka ako, honestly, naiintindihan ko ang marubdob mong pagnanasa ng pagbabago.

Pero, ‘teh, aralin mo muna ang posisyong pinasok mo, hindi ‘yung sumbong ka na lang nang sumbong sa taumbayan ng mga reklamo mo na akala mo, inaapi ka ng 29 board members.

I-translate mo ‘yang mga reklamo mo sa pagkilos kung gusto mo talaga ng tunay na pagbabago. Ganu’n dapat.

Ayaw mo ng malalaswang eksena, di ba? Walang problema, ‘teh. Kakampi mo ako diyan sa adhikain mo.

So papayagan mo ba ang mga pagmumura o cursing sa teleserye basta ‘wag lang malaswa ang mga inaarte ng mga karakter?

Hihintayin ko ang paliwanag mo dito, ‘teh, ha? At ‘pag na-gets ko ang point mo, Mocha, promise, magbi-video ako para humingi ng sorry sa ‘yo.”

Kahapon, ito ang kasagutan ni Mocha na agad din namang ipinost ng isang follower ni Ogie sa thread ng unang post niya:

“Daming nagsusumbong sa akin, bina-bash daw ako ni Ogie Diaz, ano daw ba ang sagot ko? Una, hindi po ako nagbabasa ng negative post. ‘Tsaka he is entitled to his opinion naman. Reporter siya, need niya ng balita, kaya intindihin na lang natin siya. Tuloy lang ang laban at trabaho. ‘Tsaka mas marami pang mahahalagang bagay kesa sa pansinin ang mga bashers.”

Marami ang nagpaliwanag kay Mocha na hindi siya bina-bash ni Ogie, tulad nito:

“Ma’am, hindi naman po kayo bina-bash. Gaya niyo po may mga katanungan lang din po siya na sa palagay ko po kailangan niyong sagutin para maging fair. Kayo po nagagawa niyo mag-post ng mga hinaing niyo thru this page at sinusuportahan namin kasi gusto natin lahat ng pagbabago. Pero sa palagay ko po may karapatan din ang ibang tao na tanungin ka sa mga bagay na nangangailangan ng sagot. Simple lang naman ‘yung tanong, eh, bakit hindi niyo po direktang sinasabi sa tanggapan niyo ang lahat ng hinaing niyo sa MTRCB at dinadaan niyo muna sa social media? Bakit po hindi kayo um-attend sa board meeting? Andun na po kayo sa loob, eh. May puwesto na kayo, bakit wala kayong imik sa kanila ‘tapos sa taumbayan ka magsusumbong sa mga hindi mo nagustuhan? Parang hindi naman ‘ata tama ‘yun. ‘Yun lang po. Ka-DDS po ako. You can review my profile and posts kung gusto niyo. Gusto ko lang po malaman ang totoo.”

Ito ang rejoinder ni Ogie kay Mocha:

“Basahin n’ya kasi ang sinulat ko, para din sa kanya ‘yon. Hindi ka naman nag-board member para mag-spy at magsumbong sa social media. Gawin mo ‘yung trabaho mo as member kasi ‘yun ang inaasahan sa ‘yo. Wala namang umaapi sa kanya, eh.

Hindi lang niya talaga ginagawa ang trabaho niya as board member. Paano siya matututo kung nag-a-absent naman siya at ‘pag andu’n, tahimik lang at ‘di nagre-raise ng concerns?

‘Tapos ‘pag tinatanong siya kumbakit nag-a-absent siya at tahimik lang sa board meeting, ang sagot niya: in time, sasabihin din niya ang rason niya.

Dumidirekta ka sa taumbayan, eh, di diretsahin mo din sila kumba’t ka nag-a-absent at kumbakit ka tahimik lang during board meetings.

’Pag nasagot niya ‘yon, kahit ang mga ka-DDS niya, hahanga sa kanya.” (DINDO M. BALARES)