football copy

GINAPI ng Laro ang Kidzania, 4-0, para tampukan ang six-team qualifier A match ng Neymar Jr’s Five nitong Sabado sa Sparta ground sa Mandaluyong City.

“The qualifier today was a great time. Had to learn the game and adjust tactics as we were all new to it. Amazing that Red Bull has gotten involved in the football scene. It’s something we need more of,” pahayag ni Laro team captain Anton del Rosario.

Ang Neymar Jr’s Five ay ang sikat na football tournament ng Brazilian superstar kung saan ang mga kalahok sa five-a-side team ay naglalaban sa loob ng 10 minutong laro. Sa bawat pagkakataon na nanaiskor ang koponan, binabawasan naman ng player ang karibal.

Human-Interest

Tagahugas ng pinagkainan sa family reunion, pinakamahirap sa angkan?

“It’s fast, technical, and tactical,” ayon sa pahayag ng organizer.

Sa kasalukuyan, apart na koponan na ang nakausad para sa finals na nakatakda sa Marso 4. Ang mga ito ay El Retiro, Kidzania, Underground Football at Laro.

“This is entirely different but still has the real essence of typical football. It was intense and heart pumping! It was hard to go against another team when you’re a man down, makes you think whether you should attack or just stay in defense the entire game and wait for them to make mistakes,” sambit ni Kevin James Olayvar, team captain ng Underground.

Nakatakda namang ganapina ng qualifier B sa Sabado (Pebrero 25) sa Sparta. Bukas ang pagpapatala ng lahok hanggang 5:00 ng hapon sa Pebrero 23.