Pansamantalang ipinagpaliban ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng 2017 Language and Assessment for Primary Grade at (LAPG) National Achievement Test (NAT) para sa Grade 6 at 10 na nakatakdang isagawa sa susunod na buwan.

Naglabas si DepEd Secretary Leonor Briones ng DepEd Memo No. 25 series of 2017, na nagpapahayag ng pagpapaliban sa mga nasabing aktibidad.

Itinakda ng DepEd, sa pamamagitan ng Bureau of Education Assessment (BEA), ang mga pambansang pagsusulit sa DepEd Order No. 23 series of 2016 o ang “School Calendar for School Year 2016-2017” at DO No. 55 series of 2016 o ang “Policy Guidelines on the National Assessment of Student Learning for the K to 12 Basic Education Program.”

Batay sa inilabas na schedule, ang NAT para sa Grade 10 ay itinakda sa Marso 2; ang LAPG na binago at ginawang Early Language, Literacy and Numeracy Assessment (ELNA) ay sa Marso 7; at ang NAT para sa Grade 6 ay sa Marso 9.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“However due to administrative and logistical limitations, test administration shall be postponed indefinitely,” ani Briones. Maglalabas ng isa pang memorandum ang DepEd para ipahayag ang bagong petsa para sa pagsasagawa ng mga nabanggit na pagsusulit.

Ang NAT ay pagsusulit na dinisenyo para tukuyin ang academic levels, lakas at kahinaan ng mga estudyante. Layunin naman ng LAPG na suriin kung naging epektibo ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) instruction sa 19 na lengguwahe. (Merlina Hernando-Malipot)