SAN ISIDRO, Nueva Ecija - Patay ang isang 49-anyos na helper sa manggahan makaraang maka-engkuwentro ang mga pulis na magsisilbi sa kanya ng search warrant sa Purok 7 sa San Isidro, Nueva Ecija.

Batay sa ulat ni Chief Insp. Marlon Cudal, hepe ng San Isidro Police, dakong 4:30 ng umaga nitong Pebrero 18 nang magsilbi ng search warrant ang mga awtoridad laban kay Edgan Galillo Jasmin, na umano’y nasa drugs watchlist ng pulisya.

Ayon sa report, kaagad umanong nagpaputok ng baril si Jasmin na ginantihan ng mga pulis kaya napatay ito.

Nasamsam ng awtoridad mula sa suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang .38 caliber revolver, at limang basyo ng .9mm caliber sa lugar ng engkuwentro. (Light A. Nolasco)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City