MANGATAREM, Pangasinan - Hindi na nakaahon nang buhay ang isang janitor makaraang malunod ito sa ilog dahil sa labis umanong kalasingan habang nagkakasiyahan ang kanyang mga katrabaho sa Barangay Pacalat sa Mangatarem, Pangasinan.
Kinilala ni Ginalyn Catayna, 32, kagawad ng Bgy. Pacalat, ang nasawing si Eduardo Montero, 30, binata, ng Talayan Village, Quezon City.
Napag-alaman sa ulat na dumayo si Montero at kanyang mga kasamahan sa Bgy. Pacalat para dumalo sa isang birthday party, at matapos ang inuman ay lumangoy ang binata. (Liezle Basa Iñigo)