Viray at Kiray copy

“KAIBIGAN lang ‘yun, tita! He-he-he....”

Ito ang sagot ni Kiray Celis nang tanungin namin kung sino ‘yung lalaking kasa-kasama niya sa mga litrato na naka-post sa social media account niya.

Pinagkakaguluhan na kasi ng netizens ang posts niya na kuha sa kanila ng guy na hottie kung tawagin ng followers niya. Sa katunayan, may ilang beki na nagtatanong kung nasaan daw ang hustisya sa mundo. Bakit daw sila, walang papa na tulad ng lalaking kasa-kasama ni Kiray sa photos.

Tourism

World Architecture Day: Ilang makasaysayang gusali sa bansa na nananatili pa ring nakatayo

Sabi ng spy namin, fashion model daw ito at nagngangalang Kirst Viray, at siya ang date ni Kiray nitong nakaraang Valentine’s Day.

Ang una naming tanong kay Kiray ay kung may boyfriend na siya, na mabilis niyang sinagot ng, “Wala po, Tita Reg!”

Sunod na tanong namin, bakit sila may pictures nu’ng guy at kung anu-anong hugot lines ang ipino-post niya simula noong Araw ng mga Puso.

Tulad nito, “Kaya pala ang tagal... May pa-bulaklak! Napagod daw siya. PAANO? Eh, hindi naman ako mahilig sa bulaklak. Valentine’s Day, di ba? Ba’t pang-New year ‘tong outfit mo? HAHAHAHAHA!”

‘Kakaloka itong si Kiray, nakakabulag, ha?

Anyway, ang tarush ng dalagang bulilit dahil may pelikula siyang gagawin kay Direk Brillante Mendoza na tatalakay tungkol sa mga taong nagtatrabaho sa likod ng mga camera ng isang TV network.

Hindi pa alam ni Kiray kung ano ang magiging papel niya at nangakong babalitaan kami kapag nalaman na niya.

Hmmm, may hawig siguro sa pelikulang Ekstra ni Rep. Vilma Santos na ipinakita naman ang buhay ng bit players sa pelikula.

Binati namin si Kiray dahil baka puwedeng mapasama rin sa film festival sa ibang bansa ang gagawin niyang pelikula under Direk Brillante. (REGGEE BONOAN)