Isang gurong Pinay ang tumanggap ng pinakamataas na parangal para sa foreign expatriates sa Nanchang City, Jiangxi Province ng China.

Si Lilian Albarico, ng Dimataling, Zamboanga Del Sur ay ginawaran ng Tengwengge Friendship Award dahil sa kanyang naiambag sa larangan ng edukasyon. Siya ang nag-iisang babae sa walong awardee ngayong taon at unang Pilipinong tumanggap ng naturang pagkilala.

Ang parangal ay pagkilala sa hindi matatawaran pagganap ng expats sa kanilang propesyon at magandang kontribusyon sa social development ng lungsod.

Si Albarico ay nagtuturo ng Chemistry, Physics at Math sa Nova Scotia Program, Sino-Canadian Department, Nanchang No. 2 High School, Nanchang City. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Andrea, aminadong may mga 'nagpaparamdam' manligaw pero nililigwak