Pinagtibay ng Korte Suprema ang paghahain ng kasong malversation of public fund at corruption laban kay Janet Napoles at sa kanyang driver-bodyguard na si John Raymond de Asis at kay Dating National Agribusiness Corporation President Alan Javellana.

Ang kaso ay may kinalaman sa umano'y paglustay ng P27.5 milyon sa pork barrel allocation ni dating Agusan Del Sur Representative Rodolfo Plaza simula 2004 hanggang 2010.

Kaugnay nito, kinatigan ng Korte Suprema ang joint resolution at joint order ng Ombudsman noong Setyembre 26, 2014 at Nobyembre 26, 2014 na nagsasabing may probable cause para sampahan ng kaso sa Sandiganbayan sina Napoles, De Asis, at Javellana. (Beth Camia)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists