LEMERY, Batangas - Patay ang isang 17-anyos na lalaki habang sugatan naman ang kasama niyang kapwa binatilyo matapos na maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Lemery, Batangas.

Dead on arrival sa pagamutan si Reylan Jimenez, habang sugatan naman si Patrick Biscocho, 15, kapwa taga-Barangay Pamiga, Agoncillo.

Ayon sa report ni SPO1 Omar Salanguit, dakong 7:45 ng gabi nitong Pebrero 17 at minamaneho ni Jimenez ang motosiklong walang plaka nang mawalan siya ng kontrol at sumalpok sa isang signage at metal barrier sa Barangay Payapa, Lemery. (Lyka Manalo)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!