Napatay ang spotter ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa pinag-isang operasyon ng militar, pulisya at Philippine Coast Guard (PCG) sa Tawi-Tawi nitong Linggo.

Sinabi ni Philippine Army Captain Jo-Ann D. Petinglay, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom), na napatay si Al Abdullah sa pakikipagbakbakan sa mga awtoridad na nagpapatrulya sa Bakungan, Turtle Island sa Tawi-Tawi nitong Linggo.

Ayon kay Petinglay, rumesponde ang Joint Task Force Tawi-Tawi sa sumbong ng umano’y presensiya ng mga armadong miyembro ng kidnap-for-ransom group sa lugar at inimbitahan si Abdullah para imbestigahan.

Sa pagbeberipika, inamin ni Abdullah na pag-aari niya ang bahay na tinutuluyan ng mga armado at kabilang siya sa mga iniulat na armadong namataan sa lugar. Binanggit din niya ang mga pangalan ng mga kasama niyang sina Absar, Musub Baudin, at Man Baudi.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Bandang 5:00 ng hapon nang araw na iyon ay nagpaalam si Abdullah na uuwi lang saglit at pinayagan naman. Nang magbalik, bitbit na nito ang isang M16 rifle at pinagbabaril umano ang mga awtoridad na nauwi sa sagupaan, at sa pagkamatay ni Abdullah. Naibigay na sa pamilya ni Abdullah ang kanyang bangkay.

“This is a big setback on the Abu Sayyaf Group as we continue to intensify the conduct of law enforcement operations along with the police and maximize intel monitoring to pre-empt kidnappings within our joint area of operations,” sabi ni Major General Carlito G. Galvez, Jr., commander ng WestMinCom. (Francis T. Wakefield)