Nakauwi na sa bansa ang 12 mangingisdang Pilipino na inaresto sa Indonesia dahil sa ilegal na pangingisda, matapos ayudahan sa ilalim ng repatriation program ng gobyerno ng Pilipinas.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang Philippine Airline (PAL) flight PR-540 na sinasakyan ng mga nasabing Pinoy mula Jakarta dakong 7:20 ng gabi nitong Lunes.

Ayon sa Konsulado ng Pilipinas sa Manado City, ang 12 Pinoy ay kabilang sa mahigit 600 mangingisda na nakulong sa Jakarta noong 2016 matapos mahuling ilegal na nangingisda sa dagat ng Indonesia. (Bella Gamotea)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'