CABANATUAN CITY - Labindalawang katao ang nasakote ng anti-illegal gambling operatives sa apat na magkakahiwalay na insidente sa Nueva Ecija.

Unang naaresto ang 44-anyos na umano’y operator ng drop ball sa Maharlika Highway sa Barangay Sangitan East, Cabanatuan City na si Ricardo Pular, habang nagpulasan naman ang mga bettor.

Sa bayan ng San Isidro, nakorner si Lito Pablo y De Guzman, sinasabing operator ng color game sa Fairground, sa bisinidad ng palengke, at nahulihan ng mga paraphernalia.

Naaktuhan naman sa pusoy sina Romeo Romero, 47, ng Bgy. Bayanihan, Gapan City; Oliver Bagacan, 42;

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Joseph Cataluna, 53, ng Bgy. San Vicente; at Cedric Mendez, 19, ng Bgy. Sto. Niño, Gapan City.

Kabilang din sa mga naaresto sina Lucia Tubig, 47; at Lorena Mangulit, 39, na naaktuhan namang nagtotong-its sa Bgy. San Carlos, Cabiao. (Light A. Nolasco)