TARLAC CITY - Dahil sa maagap na pagkilos ng mga operatiba ng Police Community Precinct (PCP)-8 ay naaresto ang isa sa dalawang nangholdap umano sa empleyado ng Admin Traffic Management ng SCTEX, sa Barangay San Sebastian, Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat kay Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan, ang naaresto ay si Jonathan Calubiran, nasa hustong gulang, ng Bgy. San Sebastian, Tarlac City, habang pinaghahanap pa ang kasamahan niyang nakilala sa palayaw na Wawa.

Dakong 1:00 ng umaga at pauwi na si Jocelyn Bautista, 25, sa Bgy. San Sebastian nang holdapin at agawan siya ng bag ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Natangay kay Bautista ang iba’t ibang ID, isang iPhone 5, at wallet na may P7,000 cash. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito