Sa nalalapit na pagtatapos ng school year, muling pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga pampubliko at pribadong paaralan na panatilihing simple ngunit makabuluhan ang graduation rites.

Naglabas si Education Secretary Leonor Briones ng DepEd Order No. 8 series of 2017, na naglalatag ng mga patnubay para sa pagsasagawa ng end of school year rites sa School Year (SY) 2016-2017. Itinakda ang mga seremonya ngayong taon bago o sa mismong Abril 7, 2017.

May temang, “Sabay-Sabay na Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan,” sinabi ni Briones na ang mga seremonya ngayong taon “highlights the importance of concerted endeavor and collaborative efforts of the stakeholders and learners in achieving the shared vision of quality, accessible, relevant and liberating basic education for all.”

Kaugnay sa kampanya ng pagtitipid ng gobyerno, muling idiniin ni Briones na gawing “simple but meaningful” ang graduation rites.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagbabala siya sa mga opisyal ng paaralan laban sa pag-oobliga sa mga estudyante na magsumite ng non-academic projects gaya ng attendance sa mga field trip, film showing, junior-senior promenade at iba pang okasyon sa paaralan.

Ang mga ito, aniya, ay hindi dapat gawing “requirements for graduation or completion.”

Pinaalalahanan din ang mga pampublikong paaralan na sumunod sa “No Collection” policy ng DepEd.

(Merlina Hernando-Malipot)