SA loob ng tatlong oras, 7 katao ang binaril at pinatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Quezon City. Dalawang lalaki at dalawang babae ang pinaslang sa loob ng kanilang tahanan. Samantala, isa sa pitong pinatay na si Jeffrey Villanueva ay nakaistambay sa outpost ng Barangay Commonwealth kasama ang tatlo pang opisyal ng barangay nang pagbabarilin siya ng dalawang taong nakasakay sa magkahiwalay na motorsiklo. Ang mga bumaril ay nakasuot ng helmet at jacket. Hindi pangkaraniwan, ayon kay Quezon City Police Department Director chief Supt. Guillermo Eleazar, itong pitong pagpatay sa isang gabi bagamat may mga parehong insidenteng nauna nang nangyari.

Patuloy pa rin pala ang patayan bagamat inalis na sa PNP at NBI ang anti-illegal drug operations. Sa dahilang ang mga ito, lalo na ang mga pulis, ang pasimuno sa maramihang pagpatay nang ilunsad ni Pangulong Digong ang operasyon laban sa ilegal na droga. May mahigit na 7,000 na ang napatay sa operasyong double barrel at tokhang ng Philippine National Police. Eh, kaya naman inalis ng Pangulo ang operasyon kontra droga sa mga pulis at NBI dahil nasangkot ang ilan sa mga ito sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano. Nalagay sa kahihiyan ang bansa at nawalan ng tiwala ang Pangulo sa mga pulis at NBI. Mga corrupt daw sila.

Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ngayon ang ginagamit ng Pangulo sa kanyang pakikidigma laban sa droga.

Pero, aminado ang PDEA, na hindi gaya ng PNP at NBI, kulang ito sa tauhan. Ang naiuulat lang na nagagawa ng PDEA ay makasabat ng bulto-bultong shabu na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso. Pero, tulad ng PNP at NBI, may sinasalakay din itong mga drug den at nadadakip na mga sangkot sa droga. Ang pagkakaiba naman nito sa PNP at NBI, bihira na mabalitaan itong pumapatay ng mga durugista dahil nanlaban ang mga ito nang sila ay hinuhuli. Hindi kaya sa

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat

kakulangan ng tauhan ang PDEA, nangyayaring muli ang extrajudicial killing gaya ng naganap sa Quezon City na pito...

ang pinatay sa loob ng tatlong oras?

Pero, walang pagkakaiba ang PDEA sa PNP at NBI kapag nakasabat ito ng bultong shabu o nakadiskubre ng pabrika ng shabu. Ang naiuulat lang ay ang dami ng shabung nakumpiska nito at ang nadiskubre nitong pagawaan ng shabu. Walang naiuulat na may nahuli o napatay itong durugista o operator ng pagawaan ng shabu. Pero, kapag may nahuling mga drug addict, labas na sa balita ang kanilang mga pangalan.

Ang pagsalakay sa mga laboratoryo ng shabu ay depende rin yata kung ito ay kaibigan o kalaban gaya ng pagsalakay ng Bureau of Immigration sa online gambling ni Jack Lam pero hindi ginagalaw ang kay Kim Wong. (Ric Valmonte)