Nagpahayag ang Pilipinas ng matinding pagkabahala sa pagpakawala ng missile ng North Korea kamakailan.
Sa isang pahayag na inilabas kahapon, nanawagan ang Department of Foreign Affairs sa North Korea na itigil na ang mga ganitong panggagalit na labag sa mga regulasyon ng United Nations Security Council at lalong nagpapainit sa mga tensiyon.
“The repeated provocations seriously undermine regional peace and stability in the Korean Peninsula,” saad ng DFA.
“We reiterate our call on DPRK to comply with its international obligations under relevant UN Security Council resolutions and to the process of constructive dialogue.”
Noong Pebrero 11, sinubukan ng North Korea na magpakawala ng extended range ballistic missile, na bumagsak sa Japan Sea.