BATAC CITY, Ilocos Norte – Pinaniniwalaang hindi kinaya ng isang 18-anyos na binata ang sakit ng pakikipaghiwalay sa kanya ng nobya kaya nagawa niyang magbigti ng alambre sa Barangay Ricarte sa Batac City, Ilocos Norte.

Sa report ng Ilocos Norte Police Provincial Office, dakong 4:20 ng hapon nitong Linggo nang natagpuan ni Constrante Ramelb, 35, ng Bgy. Ricarte, ang pamangking si Christopher Ramelb, carnival employee, na nakabitin sa likod ng kusina ng bahay ng huli sa Bgy. Callaguip, Batac City.

Nabatid na nitong Pebrero 15 lamang iniwan si Christopher ng kanyang nobya. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City