Pinatay o nagpakamatay?

Palaisipan ngayon ang pagkamatay ng dating kagawad matapos itong datnan na walang buhay sa loob mismo ng kanyang kuwarto sa Caloocan City, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rommel Del Prado, may asawa, ng Phase 3, E-1, Block 10, Barangay 14, Caloocan City. Siya ay may tama ng bala ng cal. 38 sa dibdib.

Ayon kay Cindy Del Prado, nakababatang kapatid biktima, bandang 10:15 ng gabi, abala siya sa panonood ng telebisyon sa sala nang makarinig siya ng putok ng baril mula sa silid ng kapatid at ng kanyang tingnan ay tumambad ang duguang katawan ni Rommel.

National

VP Sara, humanda na bilang unang VP na mai-impeached!—Akbayan Partylist

Dali-dali niyang isinugod sa Caloocan City Medical Center ang biktima ngunit huli na ang lahat.

Sabi pa ni Cindy, wala naman daw problema ang biktima para magpakamatay ito. (Orly L. Barcala)